Taong 2016 pa nang mabalitaang hiwalay na si Kapuso actress Janine Gutierrez sa kanyang ex-boyfriend na isang former Kapuso actor na lumipat na sa kabilang TV network.
Sa ginanap na press conference ng Day Off noong nakaraang linggo, nagsalita na si Janine tungkol sa kanilang breakup. Kuwento niya, mula raw noong naghiwalay sila ay wala na silang communication.
"I'm sure he's also busy. Hindi ko pa siya nakakasalubong since last year," pahayag ni Janine.
Ayon kay Janine, ine-enjoy niya ngayon ang pagiging single niya. "Nag-move on na 'ko. Masaya pala. Ayoko muna sana mag-boyfriend," anang aktres.
Nakatuon daw ngayon ang buong atensyon ni Janine sa kanyang career. "Happy po ako sa work now kasi ito mayroon akong Day Off tapos mayroon kaming sinisimulan na bagong teleserye 'yung Legally Blind. Magfo-focus talaga ako sa trabaho," saad niya.
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
Janine Gutierrez, nagsalita na tungkol sa isyung edited ang kanyang sexy calendar photo
Janine Gutierrez, Ken Chan team up as new 'Day Off' hosts
Photos by: @janinegutierrez(IG)