
Isang madamdaming mensahe ang isinulat ni The One That Got Away star Jason Abalos para sa kanyang longtime girlfriend na si Vickie Rushton.
Ipinagdiwang kasi kahapon ni Vickie ang kanyang ika-26 na kaarawan.
"Minsan tinanong mo ako 'baba ano nagagawa ko para sa iyo?' Hindi ako nakasagot kaagad, kasi nag hahanap ako ng kagaya ng 'vanity mirror,'" panimula niya.
Pero anumang isip niya, puso pa rin niya ang nakapagbigay sa kanya ng sagot.
"'Yon pala puso ko ang makakasagot, tinuruan mo ako mag mahal baba, pinakita mo sa akin ang totoong pagmamahal.. hindi ka nagsasawang magmahal, nakakapit ka pa din kahit anong mangyari. Yon ang nagagawa mo para sa akin baba ang mahalin ako na habang ginagawa mo yan nararamdaman ko ang pagmamahal sa atin ng panginoon.. maraming salamat baba, happy happy birthday, " pagpapatuloy niya.
Kamakailan lang, kinoronahan si Vickie bilang First Runner Up sa Binibining Pilipinas 2018 pageant.