What's on TV

MUST-READ: Jennylyn Mercado, binuking si Gil Cuerva!

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 2, 2017 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saudi King Salman leaves hospital after medical tests
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Sumailalim sa isang fast talk ang lead stars ng My Love From The Star sa Unang Hirit.

Constant high rater at trending topic sa social media ang Pinoy remake ng Hit Korean drama na My Love from the Star. Masasabing successful ang pilot week ng bagong GMA Telebabad soap dahil hook na rin ang mga manonood kay Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang Steffi at sa bagong Kapuso leading man na si Gil Cuerva bilang si Matteo.

 

Malapit na ilang oras nalang mga kapuso!???????????? #mylovefromthestarph pagkatapos ng Mulawin.

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on


Sa kanilang galing sa pagganap sa kanilang mga karakter, kilala na rin ba nina Jen at Gil ang isa’t isa? Sumailalim sa isang fast talk ang lead stars ng serye sa Unang Hirit.

Aminado ang Kapuso newbie na madalas siyang nabubulol sa taping. Patunay ng kanyang leading lady, “Hindi siya sanay mag-Tagalog,” ngunit agad naman niya itong binawi, “Pero magaling na siya ngayon ha.”

Binuking rin ng aktres na certified sleepy head ang kanyang Matteo, “Kahit saan mo iyan paupuin, kahit nakatayo [ay] natutulog iyan eh.”

Umamin naman si Jen na siya ang matakaw habang mabagal namang kumain si Gil.

Magkasalungat naman sa kakulitin ang mga gumaganap, ayon sa 21-year-old actor, “Ako ‘yung mas makulit. Sa role si Steffi pero sa totoong buhay [ay] ako.”

Tiyak na magkasundo ang dalawa at kitang-kita naman ito sa kanilang chemistry sa TV. Subaybayan ang mga nakaka-excite na mga eksena ng My Love from the Star gabi-gabi ng 8:30 p.m.