
Isang nakakaantig na mensahe ang ibinigay ng singer at actress na si KC Concepcion sa kanyang stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.
Bukod kasi sa pagbati sa kaarawan nito, pinasalamatan din ni KC ang senador sa pagtanggap sa kanya 24 taon na ang nakalilipas.
"Happy birthday, dad, I hope you like the book on health & longevity because with the knowledge, science & FARM that we have today we have no excuse but to go, grow & GLOW!!!" biro niya.
"Ok but on a more serious note ILY @kiko.pangilinan & thank you for choosing to have me in your life 24 years ago...," seryoso niyang pagpapatuloy.
Si KC ay anak nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta pero si Senator Kiko na ang tumayo bilang kanyang ama matapos maghiwalay ang mga ito.
Kahapon, August 24, ipinagdiwang ng senador ang kanyang ika-55 kaarawan.