
Naging bahagi ng unang season ng survival reality show na Survivor Philippines si former Born To Be Wild host Kiko Rustia.
Sa Thailand ginanap ang kumpetisyon at taong 2008 nang una itong umere sa GMA.
Matapos ang sampung taon, sentimental mode si Kiko at ibinahagi ang laman ng kanyang leather bound diary na "luxury item" niya sa competition.
"Happy 10th Anniversary #SurvivorPhilippinesSeason1 As promised, I'll be sharing the contents of the journal I brought with me to the island that chronicled our life and struggles during the game. Are you all ready for it?? Hahahaha," sulat niya sa kanyang Instagram kung saan ibinahagi niya ang ilang pages ng diary.
Inalala niya dito ang biyahe patungo sa isang isla sa Thailand.
Ibinahagi din niya ang maikling kasaysayan ng dalawang tribes sa show.
Nakuwento din niya ang pag-kidnap sa kanya ng kaibilang tribe.
Binalikan din niya ang isang insidente kung saan nakakuha siya ng pakong may kalawang sa kanyang pagkain.
May ilang drawings din siya sa kanyang diary.
Nagkuwento din siya tungkol sa emosyonal na tribal council ng kayang tribe kung saan kailangan nilang mag-vote out ng isang miyembro.
Sa kabuuan, apat na seasons ang itinakbo ng Survivor Philippines.