
Nakilala sa industriya si Kapuso star Kim Domingo sa kanyang sexy image at paunti-unti ay pinasok na rin niya pagkanta at pag-arte. Sa katunayan, kabilang siya ngayon sa cast ng Super Ma'am, ang comeback teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Ngayong unang linggo pa lamang ng Super Ma'am, isang statement ang ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram patungkol sa kanyang showbiz career.
"Unti-unti ko nang tinatanggal ang pagpapa-sexy. Magpapa-sexy ako pero hindi na kagaya ng dati kong ginagawa. Gusto ko ng makatawid sa pagiging ganap na aktres. At ang goal ko naman talaga ay makakuha ng acting award at kung paano ako tatagal sa industriya," saad ni Kim.
Umani naman ng magagandang comments ang pahayag na ito ni Kim at ang ilan ay nagpakita ng kanilang suporta sa desisyon ng Super Ma'am star.