
Kilig overload ang hatid nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa kanilang fans nang batiin ng aktres ang dating ka-love team na si Ruru Madrid.
Kahapon, Decemer 4, ay nag-celebrate ng kanyang birthday si Ruru, at hindi nakalimot si Kylie. Ipinaabot niya ang kanyang pagbati sa Kapuso actor sa pamamagitan ng Twitter.
Mensahe niya sa kanyang prinsipe, “Haberday Rehav! #happybirthdaykyruru”
Haberday rehav! #happybirthdaykyruru
— Kylie Nicole (@kylienicolep) Disyembre 4, 2017
“Salamat Mahal kong Hara,” naging tugon naman ni Ruru sa minsang naging reyna sa Encantadia.
Salamat Mahal kong Hara! https://t.co/KazEM1m9zx
— Ruru??Madrid (@Rurumadrid8) Disyembre 4, 2017
Dahil sa simpleng pag-uusap na ‘to, muling nabuhay ang kilig at saya sa mga KyRu at YbraMihan fans.