What's Hot

MUST-READ: Lolit Solis, ipinagtanggol sina Mark Bautista at Piolo Pascual

By Cherry Sun
Published February 8, 2018 12:32 PM PHT
Updated February 8, 2018 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang saloobin ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mga lumalabas na balita patungkol sa singer na si Mark Bautista? Alamin!

Ipinagtanggol ni Lolit Solis sina Mark Bautista at Piolo Pascual mula sa mga malisosyong kuwento na nag-uugnay sa dalawang aktor.

Kasabay ng balitang maglalabas ng isang libro si Mark ay ang pagkalat ng usap-usapan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, at sangkot daw dito si Piolo.

Anang dating talk show host, “Nasasali sa intriga sa libro si Piolo Pascual dahil may insinuation ng malisya. Para sa akin kung anuman iyon, siguro hindi na dapat husgahan. Napatunayan ko na napakabait na tao din ni Piolo Pascual hindi mapagtanim ng sama ng loob, at pareho sila ni Mark na mabuting tao. 'Di naman sila nananakit o naging masama sa kapwa nila, so ano ang problema?”

Dagdag ni Lolit, si Rudy Fernandez daw ang nagturo sa kanya na huwag manghusga ng kapwa o kaya ay makisawsaw sa buhay ng iba.

Bahagi niya, “Dun ako nakapag-isip, bakit nga ba kailangang makialam sa isang bagay na hindi ka naman kasali o hindi ka naman apektado ? Sinaktan ka ba nila, binago ba nila buhay mo? Kanya-kanya tayo ng standard of happiness , kanya-kanya tayo ng hinahanap sa buhay , for whatever reasons na naiba iyon ilan, basta hindi tayo apektado pabayaan natin.”

“Whatever ginawa nila, one thing sure ako , mabuting tao sila Mark at Piolo. So happy sila, happy din ako, dapat happy lang tayong lahat,” pagtatapos niya.

 

Ay naku Salve, malaking balita iyong libro ni Mark Bautista. bongga at promise ko bilang suporta bibili ako ng 10 kopya at ipamimigay ko sa mga kaibigan ko , gaya din ng pagbili ko ng 10 cd ni Martin Nievera dahil dalawa sila ni Mark , Martin at Marco Sison na love ko dahil kinantahan nila si Bong Revilla sa Crame ng birthday nito. Nasasali sa intriga sa libro si Piolo Pascual dahil may insinuation ng malisya . Para sa akin kung anuman iyon , siguro hindi na dapat husgahan . Napatunayan ko na napakabait na tao din ni Piolo Pascual hindi mapagtanim ng sama ng loob , at pareho sila ni Mark na mabuting tao. Di naman sila nananakit o naging masama sa kapwa nila , so ano ang problema ? Aral iyan na nakuha ko kay Rudy Fernandez, nasa hospital siya nun attend ako ng hearing sa naging kaso namin ni Piolo at Sam Milby , sabi niya sa akin ' so kung anuman ang katotohanan dun sa insinuation mo , maligaya ka ba ? Ok ba na magkaruon ng duda ang tao sa kanila , ano ang intensiyon mo? Dun ako nakapag-isip , bakit nga ba kailangang makialam sa isang bagay na hindi ka naman kasali o hindi ka naman apektado ? Sinaktan ka ba nila , binago ba nila buhay mo ? Kanya-kanya tayo ng standard of happiness , kanya -kanya tayo ng hinahanap sa buhay , for whatever reasons na naiba iyon ilan , basta hindi tayo apektado pabayaan natin. Whatever ginawa nila , one thing sure ako , mabuting tao sila Mark at Piolo. So happy sila , happy din ako , dapat happy lang tayong lahat. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? @iammarkbautista

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

Photos by: piolo_pascual(IG)