What's Hot

MUST-READ: Lolit Solis, may pakiusap kay Kris Aquino

By Bea Rodriguez
Published June 10, 2018 1:59 PM PHT
Updated June 10, 2018 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



“Please Kris, tama na, sobra na, kuha na ang point,” ang pakiusap ng veteran showbiz commentator na si Lolit Solis kay Queen of All Media Kris Aquino.
 

Salve kahit na alam kong matigas ang ulo ni Kris Aquino, bibigyan ko siya ng unsolicited advice dahil gusto ko maintain niya ang pagiging 'expensive' hindi 'cheap' fighter. Sabi niya iyon ang advice sa kanya choose your battle, I understand iyon sentiment na 'idinamay' sa isang issue ang footage ni Ninoy na nag-react siya, inayunan ng tao ang side niya, nag-sorry si PRRD at Bong Go, so siguro dapat move on na. Forever naman talaga magagamit sa mga issues ang mga tao na gusto nilang gamitin, patay o buhay, fighting strategy iyon lagi di bah? Kalilimutan ba ng tao si Ferdinand Marcos, mula nun hanggang ngayon, hanggang dulo ng mundo, babalik-balikan siya, masama, mabuti, hindi mawawala iyon alaala niya pero nakita mo natuto na mga anak ni President Marcos na sila Imee, Bongbong at Irene, no reaction na . Isang sagot, tapos na, si Irene nga hindi umeksena kahit kailan. Please Kris, Tama na, sobra na, kuha na ang point, be the Kris Aquino of the old days, sweet brat, naughty but no mean bones, lovable talkative baby ng showbiz. Love you Tetay. #lolitkulit #instatalk #71naako ??

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

“Please Kris, tama na, sobra na, kuha na ang point,” ang pakiusap ng veteran showbiz commentator na si Lolit Solis kay Queen of All Media Kris Aquino.

Dapat daw talagang piliin lang ng TV host ang kanyang mga papatulang tao at issue, at panatilihin ang pagiging “expensive” fighter nito.

WATCH: Kris Aquino to Mocha Uson: "Face me anywhere... Bring all your followers"

“Be the Kris Aquino of the old days [na] sweet brat, naughty, but no mean bones [at] lovable talkative baby ng showbiz,” saad ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

Naiintindihan raw ni Lolit ang sentimento ni Kris na idinamay pa ni PCOO Asec. Mocha Uson ang kanyang patay na ama na si dating Senador Ninoy Aquino sa social media post nito.

Ngunit, kailangan na raw ni Kris mag-move on dahil inayunan na siya ng taumbayan at nagpaumanhin na sina Presidente Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go.

READ: President Duterte confirms apology to Kris, but won't make Mocha say sorry

Katulad raw ng mga anak ng dating presidente na si Ferdinand Marcos, no reaction na sa mga bumabatikos sa kanilang pamilya.