
Sa isang Facebook post, tinawag ni Agot ang presidente na "psychopath" at pinaalalahanang isang Third World country ang Pilipinas.
Maanghang ang naging mga salita ng aktres na si Agot Isidro para kay President Rodrigo Duterte.
Sa isang Facebook post, tinawag niya ang presidente na "psychopath" at pinaalalahanang isang Third World country ang Pilipinas.
Nag-post din si Agot kahapon, Oktubre 9 ng isang artikulo mula sa psychologytoday.com na nagpapaliwanag kung ano ang isang psychopath.
Ang naunang post ni Agot ay reaksiyon sa mga panibagong patutsada ng Presidente laban sa Amerika, European Union at maging sa United Nations habang hinahamon ang mga ito na bawiin o i-withdraw ang foreign aid para sa Pilipinas.
Nais isulong ni Duterte ang isang "recalibrated" foreign policy kung saan binubuksan niya ang pinto para sa alyansa sa iba pang mga karatig bansa kung sakaling tanggalin ng Amerika ang suporta nito sa Pilipinas.
MORE ON DUTERTE:
20 solid celebrity supporters of President Duterte
IN PHOTOS: The first day of the Duterte family inside Malacañan Palace