What's Hot

MUST-READ: "Mamahalin ko talaga 'tong babaeng 'to ng todo-todo" - Chito Miranda on wife Neri

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung bakit naging "senti" si Chito. 
 


Nangyari na ba sa inyo na bumangon ng 3 A.M. at mapaisip kung gaano ka kasuwerte at gaano mo kamahal ang asawa mo?
 
Ganito ang naging eksena sa bahay ng mag-asawang sina Chito Miranda at Neri Naig.
 
Kuwento ng frontmang ng Parokya ni Edgar na naging sentimental siya matapos siyang lambingin ng kanyang misis.
 
Sambit ni Chito sa kanyang Facebook post, “Medyo nasesenti lang ako, kasi kanina, sobrang lambing ni Neri. Halik ng halik tapos siksik ng siksik. Eh kagigising ko lang nun kaya medyo suplado pa ko. Hehe! Pero di naman ako nagsungit. Hinayaan ko lang siya na panggigilan ako habang ako, nagtutulug-tulugan.”
 
Lumabas daw siya ng kwarto para ituloy ang ginagawang kanta para sa kanyang banda. Pagbalik niya ay mahimbing na ulit ang tulog ni Neri.

 


 

“Napaisip ako kung gaano ako kaswerte. Tapos naisip ko, mamahalin ko ‘tong babaeng ‘to ng todo-todo. Di ko talaga siya hahayaan masaktan at maging malungkot. Papatawanin ko siya palagi, at aalagaan ng sobra hanggang sa pagtanda,” bahagi ni Chito.
 
MORE ON CHITO AND NERI MIRANDA:
 
IN PHOTOS: Basta Rocker, Sweet Lover
 
LOOK: Neri Naig, kabilang sa mga sikat na may simpleng buhay din
 
READ: Neri Naig-Miranda, kinilig kay Marian Rivera