
Mahigit 30 years nang hiwalay ang dating mag-asawa na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ngunit kamakailan lamang ay nagkaroon ng pag-uusap ang dalawa online.
Kahapon, September 1, nagpasalamat si Sharon kay Gabby dahil sa sorpresang durian ng Ika-6 Na Utos star.
"Thank you for sending the durian through Ara. A pleasant surprise and much appreciated. Hope all's well. God bless," saad ni Sharon.
Isa sa mga unang nag-comment sa nasabing post ay ang anak nina Sharon at Gabby na si KC Concepcion. Agad naman din sinagot ng aktres ang kanilang panganay na anak.
Samantala, dahil sa dami ng nakakakilig na comments ng netizens, humingi ng tawad si Sharon kay Gabby. Nag-reply naman ang aktor sa kanyang dating asawa na lalo pang nagdulot ng kilig sa followers ni Sharon.
Taong 1984 nang ikasal sina Sharon at Gabby ngunit naghiwalay din sila noong 1987.