What's Hot

MUST READ: Ryan Agoncillo, pinaiyak si Judy Ann Santos sa gitna ng mall

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 12, 2017 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung anong ginawa ni Ryan na nagpa-iyak kay Juday. 

Sinariwa ni Ryan Agoncillo ang ilang ala-ala ng kanilang love story ni Judy Ann Santos para sa special segment ng Eat Bulaga na ‘Dabarkads’ Amazing True Love Stories.’ Kaya pa kaya niyang pakiligin ang kanyang misis?

Nagsimula sina Ryan at Judy Ann bilang magkaibigan, at nakatulong daw ito sa kanilang relasyon.

Bahagi niya, “Medyo maganda ‘yung pinagdaanan namin na ups and downs . Nung third year ng relationship namin as boyfriend-girlfriend, doon na. Doon na naisip ko, ‘Kahit anong mangyari sa amin, I will have her undivided love and attention. ‘Yun ‘yun, nakuha ko na. Secure na ako doon. Pinag-ipunan ko na ‘yung singsing niya.”

Mahigit isang dekada man ang lumipas, wala pa rin daw nagbago sa kanilang samahan ni Judy Ann.

“Noong una kasi kaming nagde-date, naramdaman kong devoted siya sa akin. Ngayon talagang devoted sa family. Galing! Super wife! Super mom! Hindi kailangang hatiin ‘yung atensyon eh. May atensyon siya para sa lahat,” ani Ryan.

Ipinagmalaki rin ng dabarkad na hanggang ngayon ay kaya pa niyang pakiligin ang kanyang misis.

Pag-alala niya, “Paborito niya kasi mula noong nag-umpisa pa lang kami mag-date, ang pangarap niya, makahanap, makahawak at makaamoy, kanya mismo, ‘yung truffles. Gusto niya ‘yung fresh truffles kasi sa career niya sa pagiging mahusay na chef, puro lang siya essence of truffle, ‘yung oil.”

“Medyo mahirap ‘yun eh, may season ‘yun. Inabangan ko ‘yung season tapos ‘yun na. Nabigyan ako ng pagkakataon na makahanap ng truffles para sa kanya. Imagine-in niyo, sa gitna ng mall umiyak nung inabot ko ‘yung truffles. Kaya pa pala. Pwede pa! 12 years going. Pwede pa, may pakilig pang pwede,” dagdag niya.

MORE ON RYAN AGONCILLO AND JUDY ANN SANTOS:

WATCH: Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos dancing to Spice Girls

IN PHOTOS: Feel at home with the Agoncillos

IN PHOTOS: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's 7th anniversary and renewal of vows