
The Kapuso actress clarifies the rumor.
Walang urungan!
Ito ang malinaw na sagot ni Sunshine Dizon sa kaniyang panayam sa 24Oras ngayong Huwebes nga gabi, September 15, matapos pumutok ang balita na nagkaayos na raw sila ng kaniyang estranged husband na si Timothy Tan.
Ayon sa interview ni GMA showbiz reporter Aubrey Carampel para sa Chika Minute, sinabi ni Sunshine na nalulungkot siya na may mga kumalakat na mga tsismis at maling impormasyon patungkol sa mga kasong sinampa niya kay Timothy at diumanoy third party nito na si Clarisma Sison.
“It’s so unfair. I don’t know where this is all is coming from kasi it could ultimately hurt my case. Kung may isusulat naman po kayo, sana i-verify naman at ‘yung katotohanan lang.”
Binigyan linaw din ng Kapuso actress ang balita na may nakakita daw sa kanila ni Timothy na magkasama sa isang mall.
Paliwanang ni Sunshine, “Hindi ko rin po puwedeng pigilan ang asawa ko na makita ang mga anak niya, dahil tatay pa rin siya. I’m just being civil. 'Yung nagkataon namang nasa mall, it just happened that I was there to pay some bills and my children was with him.”
Muling humiling ng dasal si Sunshine sa mga tao na sana ay makuha niya ang hustisya sa mga kasong isinampa niya.
Aniya, “Ang sinabi na ng lawyer ko kanina is we are expecting already that they would file their counter affidavit by the 29th so we’ll see. So please tulungan niyo po ako magdasal that we ultimately get justice.”
MORE ON SUNSHINE DIZON:
Sunshine Dizon, kinumpirma ang patuloy na pagbisita ni Timothy Tan sa kanilang mga anak
WATCH: Sunshine Dizon naging emosyonal matapos makaharap sina Timothy Tan at diumano'y third party nito
Isa sa mga anak ni Sunshine Dizon may paalala bago ang unang pakikipagharap sa korte kay Timothy Tan at Clarisma Sison