Celebrity Life

MUST-READ: Thea Tolentino, tinanggalan ng cyst sa dibdib

By Marah Ruiz
Published May 24, 2018 1:22 PM PHT
Updated May 24, 2018 1:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shiloh Jolie to make music video debut in Dayoung's 'What's a Girl to Do'
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



"Had my breast cyst removal this afternoon. Hindi ko first time dahil natanggalan na ako before noong 2010," saad ni Thea Tolentino patungkol sa kanyang operasyon.

Relaxed na relaxed pa si Kapuso actress Thea Tolentino nang mag-selfie kasama ang kanyang doktor mula sa isang medical aesthetic clinic.

'Yun pala, katatapos lang niya sa isang operasyon sa kanyang dibdib. 

"Had my breast cyst removal this afternoon. Hindi ko first time dahil natanggalan na ako before noong 2010," bahagi ni Thea. 

Ayon sa aktres, hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa procedure. 

"Chill lang ng operation lalo na't J-pop pinatugtog ni doc habang inooperahan ako," sulat niya. 

Bukod dito, pinaalalahan din niya ang mga kababaihan na regular na magpa-check up.

"It's good to have regular check ups especially to us women. Lalo na rin kung may nararamdaman tayo, mas maganda nang maagapan at malaman ang nangyayari sa ating katawan," aniya. 

 

Had my breast cyst removal this afternoon. Hindi ko first time dahil natanggalan na ako before noong 2010. ???? ------ Thank you so much @docbing ! Chill lang ng operation lalo na't J-pop pinatugtog ni doc habang inooperahan ako. ???? ------ @conturamedica is also a breast center. It's good to have regular check ups especially to us women. Lalo na rin kung may nararamdaman tayo, mas maganda nang maagapan at malaman ang nangyayari sa ating katawan. ???????? Contura Medica ????: +63 917 800 7383

A post shared by Thea Loise Tolentino (@theatolentino) on

 

Ayon sa Mayo Clinic, may mga breast cysts na benign o hindi cancerous at hindi na kailangang ipatanggal. Pero kung lumalaki at sumasakit na ang mga ito, kailangan na itong operahan.