
Ayon kay celebrity doctor Vicki Belo, isa sa mga paborito niyang bonding moments ang makipaglaro ng sa kanyang bunsong anak na si Scarlet Snow.
Saan ba nila ginagawa ang mother-daughter playtime na ito? Walang iba kundi sa higanteng walk-in closet ni Dra. Vicki!
Makikita sa maikling video na ibinahagi ni Dra. Vicki sa kanyang Instagram account ang pagtakbo ni Scarlet at ng kanyang nakakatandang kapatid na si Cristalle sa loob nito.
May ilang rack din na puno ng mga designer dresses ng doktora, pati na isang shoe cabinet.
Marami rin sa mga drawers dito ay para sa iba't ibang accessories.
Sa ibabaw naman nito, makikitang nakahilera ang mga bags ni Dra. Vicki.
Kinumpleto naman niya ang kanyang walk-in closet sa paglalagay ng full-length mirror kung saan pwede niyang ma-check ang kanyang buong OOTD.
Samantala, abala ngayon si Dra. Vicki sa bagong launched niyang blog na The Beautologist pati na sa pinakabagong branch ng kanyang clinic na nagbukas sa isang hotel sa Pasay.