
Hindi nagpahuli ang five-year-old child star at Eat Bulaga host na si Baeby Baste na panoorin ang pinakabagong GMA seryeng Super Ma'am kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na si Samsam.
Nagpasalamat si Kapuso actor Kevin Santos na siyang gumaganap bilang si Casper the Explorer ng serye sa child wonder sa pagsubaybay sa Primetime soap.
Nakasentro ang kuwento kay Teacher Minerva na nabiyayaan ng special powers upang iligtas ang mga kabataan laban sa mga Tamawo bilang si Super Ma’am. Pinuri ng netizens ang pilot week ng child-friendly soap.
Good teacher na, fantastic pa! Abangan ang klase ni Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.