
Patuloy na bumubuti na ang kalagayan ni Boobay.
Halos isang buwan din nanahimik ang komedyanteng si Norman Balbuena, mas kilala bilang Boobay, sa kanyang Instagram account.
Nakaranas kasi siya ng stroke at kinailangang mamalagi sa ospital ng halos dalawang linggo.
Madalas makakuha ng mga updates tungkol kay Boobay sa pamamagitan ng Instagram ng kanyang longtime partner na si Kent Juan Resquir.
Ngunit noong bisperas ng Pasko, December 24, nag-post si Boobay ng litrato ng simbahan.
Ito ang unang post niya matapos ma-stroke.
Sinundan pa niya ito ng isa pang post noong mismong araw ng Pasko, December 25.
Patuloy na bumubuti na ang kalagayan ni Boobay. Sa katunayan, nakapasyal pa siya para manood ng sine.
Binigyan pa niya ng thumbs up ang performance ni Paolo Ballesteros para sa MMFF entry na Die Beautiful.
MORE ON BOOBAY:
LOOK: Boobay's first public appearance after stroke
MUST-SEE: Unang picture ni Boobay matapos makalabas ng ospital