
Tila healthy competition ang sasalubong sa pagsisimula ng pinakabagong GMA Telebabad series na Cain at Abel.
Ibinahagi ng isa sa mga lead stars nitong si Drama King Dennis Trillo ang full trailer ng serye sa kanyang Instagram account. Agad naman itong nakatanggap ng like mula sa Kapamilya actor na si Coco Martin gamit ang kanyang verified Instagram account na @mr.cocomartin.
Pinasalamatan ni Dennis ang pag-like ng aktor sa kanyang post kahit pa magkatapat at magiging magkalaban ang kanilang mga programa.
Matatandaang isa sa mga guest directors ng Cain at Abel na si Toto Natividad ay dating direktor din ng programa ni Coco na Ang Probinsiyano.
READ: Dating 'Ang Probinsyano' director Toto Natividad, guest director sa 'Cain at Abel'
Bukod kay Dennis, tampok din sa Cain at Abel sina Primetime King Dingdong Dantes, Solenn Heussaff at Sanya Lopez. Abangan ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.