
Hindi na bago sa mata ng netizens ang pagbabahagi ni Derrick Monasterio ng kanyang topless photos ngunit iba ang dating ng kanyang latest Instagram post. Kumbaga, ibang putahe ang inalok ng Kapuso actor sa kanyang followers.
Ipinakita ni Derrick ang kanyang toned body with sexy abs na tila pinahiran ng oil.
"Ako si Almiro at ako ay isang Mulawin," saad ng Mulawin VS Ravena star.
Narito naman ang nakakatuwang papuri ng netizens kay Derrick.
Abangan ang paglipad ni Derrick bilang Almiro sa Mulawin VS Ravena ngayong gabi na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.