
Dahil sa kanyang hilig sa anime, si Kapuso actress Glaiza de Castro ang napili ng fashion and lifestyle magazine na Preview para kanilang anime-inspired beauty editorial.
Hango sa ilang karakter mula sa anime, gumawa ang makeup artist na si Sylvina Lopez ng iba't ibang makeup looks para kay Glaiza.
Ibinahagi naman si Glaiza ang ilang litrato mula sa kanyang shoot.
Ang una ay hango sa karakter na si Mikasa Ackerman mula sa hit anime series na Attack on Titan.
Photo from glaizaredux (IG)
Ang sumunod ay inspired kay Rei of Sailor Mars mula sa Sailor Moon.
Photo from glaizaredux (IG)
Very timely naman ang huli dahil base ito kay Motoko Kusanagi ng Ghost in the Shell, na nagkaroon kamakailan ng isang Hollywood remake.
Photo from glaizaredux (IG)
Samantala, hinamon din siya ng Preview na mag-audition gamit ang ilang linya mula sa mga local at Hollywood leading men.
MORE ON GLAIZA DE CASTRO:
EXCLUSIVE: Paano gustong mamatay ni Glaiza de Castro si Asval sa 'Encantadia?'