Kahit si Eugene Domingo ay tila hindi nakatiis nang masilayan ang mala-pandesal na abs ng Kapuso actor na si Jak Roberto.
Mapapanood sa video na inupload mismo ni Uge ang kanilang kulitan tungkol sa matipunong pangangatawanan ng aktor. Noong una ay relaxed lang daw ang abs ni Jak kaya laking gulat ng Dear Uge host nang makita ito sa kanyang performance level.
“Ay, ang taray,” bulalas ni Uge.
Si Jak ay isa sa mga bagong co-stars ni Eugene sa kanyang Kapuso comedy anthology. Gumaganap ang aktor bilang si Berto na kinahuhumalingan ni Divine.
More on Dear Uge:
Eugene Domingo, magbibigay-payo sa mga taong may hugot
Ikaw at si Dear Uge: Not-so-cute crush
Ikaw at si Dear Uge: Kaya nga 'Ex', meaning tapos na