GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

MUST-SEE: Mommy Tiktoker, nag-DIY shoot para sa anak na 'batang Maria Clara'

Published October 26, 2022 6:05 PM PHT
Updated October 26, 2022 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Inspired ng 'Maria Clara at Ibarra,' naghanda ng isang DIY shoot ang isang mommy Tiktoker para sa kanyang baby girl.

Cute na cute ang isang batang babae na nagbihis at nag-DIY shoot na inspired ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ibinahagi ng Tiktoker na si Rochelle Dela Peña ang do-it-yourself shoot na ginawa niya para sa kanyang anak na si Eunice.

Para ipagdiwang ang ika-21 months at 3 weeks ni Eunice, binihisan niya ito bilang Maria Clara na karakter ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa serye.

Tinahi ni Rochelle ang baro't saya ni Eunice gamit ang mga lumang damit at mga kurtina. Isang table mat naman ang nagsilbing panuelo nito.

Pinintahan din niya ang ilang piraso ng karton para magsilbing bintana na backdrop ng kanilang shoot. Nilagyan din niya ng mga abaniko ang isang maliit na upuan bilang props sa shoot.

Panoorin ang shoot nina Mommy Rochelle at Eunice dito:

@mommy_rochelle08 Ang Batang MARIA CLARA #gmadrama #mariaclara #fyp #tiktokph #kurtinagirl #pilipiniana #elfelibusterismo ♬ original sound - Rochelle Dela Peña

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN DIN ANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: