
Good vibes ang laman ng Instagram stories ni Eat Bulaga Dabarkads mommy-to-be na si Pauleen Luna-Sotto.
Sa isang post, game na ipinakita ni Mrs. Sotto ang kanyang baby bump upang mag-twinning kay Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon.
Magkapareho raw ang laki ng tiyan ng celebrity mom at ng batang aktres ngunit iba lang ang mga laman nito.
Unang ikinumpirma ni Bossing Vic Sotto sa longest-running noontime show na buntis ang kanyang misis. Inanunsiyo na rin ng mag-asawa na magkakaroon sila ng baby girl.