
Kinumpirma na kahapon, July 28 ang mga haka-haka na makakasama sina Phenomenal Star Maine Mendoza at ang King of Philippine Independent Films na si Coco Martin sa story conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Bossing Vic Sotto na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Minsan nang sinabi ni Coco na nais niyang makatrabaho si Menggay. Ito ang unang pelikula ng aktres na hindi kasama ang kanyang love team na si Pambansang Bae Alden Richards.
Gayunpaman, ani ng manager ng Eat Bulaga darling, “Masayang Pasko ito panigurado.”
Ano kaya ang magiging karakter nina Bossing at ng kanyang mga co-stars sa pelikula?