
Tila pinanggigilan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang anak na si Zia Dantes dahil cute na cute ito habang nakasuot ng pink na Filipiniana.
Nakabihis si Zia para sa Linggo ng Wika.
"Ay sus, that smile!" sulat nito sa kanyang caption.
Tulad ng hilig ng kanyang mommy Marian, may mga floral details din ang kanyang kasuotan. Bukod dito, may malaking bulaklak din sa gitna ng kanyang alampay.