GMA Logo Ninong Ry Crispy Pork Tonkatsu
What's on TV

MUST-TRY: 'Crispy Pork Tonkatsu' recipe by Ninong Ry

By Dianne Mariano
Published October 22, 2021 8:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Matet de Leon is fed up with the 'mana' issue hounding them since Nora Aunor's death: 'Nakaka suka na' 
Time for Ateneo to look beyond Jesuit leadership
Happy ToGetHer: Patay na BF, muling nabuhay! (YouLOL)

Article Inside Page


Showbiz News

Ninong Ry Crispy Pork Tonkatsu


Alamin ang napakadali at masarap na 'Crispy Pork Tonkatsu' recipe ni Ninong Ry DITO:

Isang masarap at easy na recipe and handog nanaman ng paboritong Ninong ng lahat! Walang iba ito kundi si Ninong Ry.

Ibinahagi ng kilalang food content creator sa recent episode ng Dapat Alam Mo! ang kanyang Crispy Pork Tonkatsu recipe na madali lamang gawin at abot-kaya pa ang halaga ng mga kailangan na sangkap.

Alamin kung ano ang sikreto ni Ninong Ry sa kanyang super “Crispy Pork Tonkatsu” recipe dito:


Mga Sangkap:

½ kilo porkchop

½ kilo breadcrumbs

¼ luya

Sesame seeds

Spring onions

Soy sauce o toyo

Paraan ng pagluluto:

1. Palambutin at palaparin ang porkchop cuts bago hiwain nang kaunti.

2. Ayusin na ang breading station. Maghanda ng tatlong bowl para sa Japanese breadcrumbs, 2 itlog na may tubig, at all-purpose flour. Lahat ng ito ay kailangan din ng kaunting asin.

3. Sa proseso ng paglalagay ng breading, kailangan mayroong isang kamay para sa wet ingredients at ang kabila naman ay para sa dry ingredients.

4. Una nang ilagay ang porkchop sa all-purpose flour at ilipat ito sa egg and water mixture gamit ang kamay na para sa wet ingredients.

5. Pagkatapos, ilagay na ang karne sa breadcrumbs at i-push ito nang maigi para kumapit ang breadcrumbs.

6. Ihanda na ang kumukulong mantika para sa deep-frying ng mga karne. Para sa ganitong nipis, kailangan lamang itong iprito nang 3 - 4 minutes.


Para sa sauce:

1. Hiwalin ang onions at luya bago ito igisa nang 3 - 4 minutes. Pagkatapos, lagyan na ito ng tubig at pakuluan nang 15 minutes.

2. Pagkatapos ng 15 minutes, idagdag na ang Pinoy soy sauce o toyo, brown sugar, at cornstarch and water mixture.

3. Pagkatapos haluin, i-strain na ang sauce.

4. Matapos ang lahat ng steps, puwede nang simulan ang plating at huwag kakalimutan na lagyan ng sesame seeds ang itaas ng crispy pork tonkatsu bago ihain.

5. Panoorin ang buong recipe ng “Crispy Pork Tonkatsu” ni Ninong Ry sa video na ito:


Para sa mas marami pang exciting recipes at fun features gaya nito, patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m. sa GTV.

Samantala, alamin ang iba pang must-try recipes ng local celebrities sa gallery na ito: