
Kasalukuyang bihag ng reyna ng mga Tamawo na si Greta Segovia ang batang si Isay at tinatakot niya ito. Ngunit matindi naman ang paniniwala ni Isay na mayroong magliligtas sa kaniya.
Samantala, dahil sa paglakas ng pwersa ng mga Tamawo, mapipilitan si Teacher Minerva na tanggapin ang kaniyang tungkulin bilang isang tagapagligtas. Sasailalim siya sa matinding pagsasanay mula kay Ceres.
Magiging matagumpay kaya ang training ni Minerva?
Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.