
Emosyonal ang newly engaged couple na sina Ika-6 Na Utos star Rich Asuncion at ang kanyang boyfriend of two years na si Benjamin Mudie sa pagharap nila sa ekslusibong panayam ni GMA entertainment reporter Lhar Santiago.
Nag-propose ang Philippine Volcanoes rugby player sa Kapuso star kaninang umaga sa set ng numero unong afternoon drama.
WATCH: Rich Asuncion got engaged during ‘Ika-6 Na Utos’ taping
Hindi napigilan ng aktres at ng Philippine Volcanoes member na maiyak sa gitna ng kanilang interview habang sinasabi ang kanilang mga pangako sa isa’t isa.
Simple ngunit promising ang pangako ng rugby player sa kanyang magiging asawa, “I’ll do my best.”
Sinuklian ito ng StarStruck alumna ng “I won’t ever change. I’ll [continue to] love you, and I can’t wait to spend the rest of my life with you.”
Inalala pa ng aktres kung paano humantong ang kanilang relasyon sa ganito, “I love you the first time we met. Imagine, blind date lang ‘yun tapos biglang two years after, ito na kami. Parang sobrang simple lang ‘yung beginning namin.”
Ipinagdiwang nina future Mr. and Mrs. Mudie ang kanilang second anniversary kahapon (April 26) kung saan sinabi ni Benj sa kanyang mahal, “Don’t know how much longer I can handle being your jowa.”
Unang nagpahiwatig ng kanyang intensyon ang professional athlete sa kanyang longtime girlfriend noong birthday nito noong Enero.
MORE ON RICH ASUNCION AND BENJ MUDIE:
IN PHOTOS: The wonderful love story of Rich Asuncion and fiancé Benjamin Mudie
READ: Sunshine Dizon and Yasmien Kurdi congratulate Rich Asuncion on her engagement
LOOK: Celebrities from major networks react to Rich Asuncion’s unexpected engagement