
Kahit naantala ang kanilang buhay-showbiz at nanatili sa kanilang tahanan, tuloy-tuloy pa rin ang mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paggawa ng mahusay at makabuluhang proyekto ngayong naka-quarantine.
Ginamit nina Dingdong at Marian ang panahon ng quarantine upang masmatutukan ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy. Ngunit kahit abala sila sa kanilang buhay-pamilya, nagawa pa rin nilang mag-collaborate sa ilang video projects.
Kahit sa COVID-19 pandemic ay hindi nagpapigil ang mag-asawa na ipamalas ang kanilang talento at pati na rin ang kanilang masayang relasyon sa likod ng camera. Pansin ito sa kanilang video collaborations tulad ng 'Gabi Ng Himala' at ng kanilang tribute para sa Mother's Day at Father's Day.
Panoorin ang ilan pa sa mga proyektong kanilang binuo at kinunan sa kanilang tahanan sa video sa itaas.