
Drew Barrymore is well-loved here in Manila!
Dinagsa ng kanyang Pinoy fans ang Manila premiere ng Santa Clarita Diet Season 2 na mapapanood sa Netflix ngayong March 23 (Friday).
Umabot na sa mahigit isang milyong views ang video na kuha kagabi (March 12) sa premiere night ng kanyang pinagbibidahang show kung saan pinagkakaguluhan ang Hollywood star sa isang mall kasama ang kanyang co-star na si Timothy Olyphant.
Kitang-kita na suot pa ni Drew ang puting hikaw na ibinigay sa kanya ni GMA TV Host Lyn Ching.
Ito ang pangalawang beses na bumista ang American actress sa bansa. Noong 2016 ay inilunsad niya ang kanyang international makeup brand na FLOWER Beauty.