
Basted si Doktora Joanna (Solenn Heussaff) kay Paeng (Buboy Villar)! Si Happylou (Barbie Forteza) lang talaga kasi ang laman ng puso at isipan ng binata.
Kahit masakit daw para sa magandang doktora, nagparaya pa rin siya. Nagpasalamat si Paeng sa kanya, “Thank God, thank God at na-realize mo na rin Doktora Joanna na hindi kita type kasi ang gusto ko talaga ay si Happylou. Salamat sa ‘yo at na-realize mo na.”
Nanghinayang si doktora kaya naki-jamming na lang siya kasabay ng Ex Battalion sa sikat na kanta ng grupo na “Hayaan Mo Sila.”
Oo, doktora! Hayaan mo silang maghabol sa ‘yo! Abangan pa ang ibang sikat na kanta mula sa kapitbahay ni Happylou sa Inday Will Always Love You.