
"So I've been secretly taking singing lessons for 6 months. Here goes..."
Ito ang disclaimer ni Isabelle Daza sa kanyang Instagram post kung saan "kinanta" niya umano ang isang hit song ni Beyonce na Halo.
Sa ikalawang part naman ng video ay ipinakita na si Regine Velasquez-Alcasid ang tinig na naririnig na inili-lip sync ni Isabelle.
Ilang netizens naman ang naaliw sa ginawa nina Isabelle at Regine.