
Sa episode kahapon ng Sunday PinaSaya, muling pinatunayan ni Marian Rivera ang kanyang galing sa dance floor.
Sa isang segment kung saan kasama ng Primetime Queen na si Comedy Queen Aiai Delas Alas, nagpasikat ang dalawa sa pagsasayaw ng kanilang version ng viral na "Budots dance."
Bumuhos ang comments mula sa netizens nang mapanood nila ang paghataw ni Marian sa dance floor.
Sa kasalukuyan, may mahigit 100k views na sa YouTube ang nasabing video.