
Narinig niyo na bang mag-Tagalog ang napaka-cute na si Scarlet Snow Belo?
Bilang paghahanda sa nalalapit na Buwan ng Wika ngayong Agosto, ang kanyang Mommy Vicki Belo at Daddy Hayden Kho raw mismo ang nagturo sa kanya na mahalin ang sariling atin bilang isa sa mga kabataan na pag-asa ng bayan.
Pinatunayan ito ng tatlong taong gulang na si Scarlet sa pamamagitan ng panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Sabayan po natin si Scarlet na bigkasin ang tula.