
Paano maghanda ng isang perfect romantic date ang isang bae?
Kadalasan, “best foot forward” ang mga kalalakihan sa babaeng kanilang ini-impress. Sa #TMBaeMyValentine, “real foot forward” ang baes sa kanilang mga dates.
Nitong buwan ng mga puso, pinakilig nina That’s My Bae Kenneth Earl Medrano, Miggy Tolentino, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Peñaflor at Joel Palencia ang kanilang lucky fans.
“We decided to bring them somewhere cozy, instead of somewhere intimidating place since you don’t have to spend too much to have a good date,” ayon sa mga baes na dinala ang kanilang dates sa Tapahan.
Simple ngunit isang kumportableng date ang estilo ng mga bae, “Doon sa feel at home dahil ‘di kami naniniwala sa ‘best foot forward.’ Doon tayo sa “real foot forward.’”
Kitang-kita ang kilig sa mga ngiti ng girls na talaga namang nag-enjoy sa hinanda ng mga baes.