
Patindi nang patindi ang galit ni Crisel kay Crisan, kasabay nito ang matindi niyang kagustuhan na manatili sa katawan ni Cheska.
Lahat ay gagawin ni Crisel para lang manatili siyang buhay. Ngunit, ang kapatid niyang si Crisan, labis na ang pag-aalala. Pinakiusapan pa niya ito na itigil na ang pagpapanggap.
Bibigyan niya ng babala si Geraldine dahil sa kakaibang ikinikilos ng kinikilala niyang Cheska. Dahil dito, mas lalalim pa ang hidwaan ng magkapatid.
Magkakabati pa kaya ang dalawa?
Abangan ang mga maiinit na eksenang 'yan sa 'Kambal, Karibal' mamaya pagkatapos ng 'Super Ma'am.'