
Tapatan ng beauty, brains, and bragging rights ang mapapanood sa Family Feud!
Ngayong Lunes, January 19, maghaharap sa Family Feud stage ang Mutya ng Pilipinas winners na hinati sa dalawang teams, ang Mutya Queens at Mutya Goddesses..
Para sa Mutya Queens maglalaro ang Mutya ng Pilipinas-Intercontinental 2025 na si Christina Vanhefflin. Siya ang runway model from Leyte na magko-compete internationally sa January 29, 2026 sa Egypt.
Makakasama niya sa Mutya Queens sina Naomi Wainwright, Mutya ng Pilipinas-World Top Model 2025 at model mula sa Parañaque City; Ali Hanee Posueamualto, Mutya ng Pilipinas-Charity 2025, at actress-model mula sa Makati City; at si Juliana Fresado, Mutya ng Pilipinas-Mindanao 2025, at freelance model mula sa Iligan City.
Para naman sa Mutya Goddesses maglalaro si Maria Andrea Endicio, ang Mutya ng Pilipinas-Tourism 2025, pharmacist at courtside reporter mula sa Candelaria, Quezon. Kabilang din sa team Mutya Goddesses si Eunice Deza, Mutya ng Pilipinas-Visayas 2025, at financial advisor mula sa San Pablo City, Laguna; Lyndzy Blyss Maranan, Mutya ng Pilipinas-Luzon 2025, at internal accountant mula sa Mabini, Batangas; at si Glezette Garcia, Mutya ng Pilipinas-Kultura 2025, at political science graduate at Philippine Air Force reservist.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!