
Sa pagpapatuloy ng My Fantastic Pag-ibig: Sakalam, ipapakita ang mga pagbabagong naganap sa Luntian sa pagdating ni Tim (Manolo Pedrosa).
Ang dating kontrabidang si Malihim ay naging bagong pag-ibig na ni Malakas. Si Maganda naman ay nahanap na ang kanyang sarili simula nang maghiwalay sila ni Malakas.
Hindi papayag si Tim sa mga pagbabagong ito kaya gagawa siya ng paraan para magkabalikan sina Malakas at Maganda.
Ano ang kahahantungan ng mga desisyon ni Tim sa Luntian? Abangan ito sa susunod na Sabado sa My Fantastic Pag-ibig: Sakalam sa GTV.
RELATED CONTENT:
My Fantastic Pag-ibig: Isang writer, na-trap sa graphic novel