
Sa huling bahagi ng My Fantastic Pag-ibig: Sakalam, haharapin ni Tim (Manolo Pedrosa) ang mga pagsubok para makabalik sa real world.
Sa tulong ni Sophie (Pauline Mendoza), gagawa si Tim ng paraan para magising na si Malihim (Faith Da Silva).
Ngunit bago niya tuluyang mailigtas si Malihim, lalamunin ng kadiliman ang iba't ibang mga karakter nito kaya kailangan ni Tim na gawin ang misyon mag-isa.
Sa huli, nagtagumpay rin si Tim at magigising si Malihim. Mababalik na rin ang mga karakter na nilamon ng kadiliman.
Makakabalik si Tim sa real world sa tulong ni Malihim at makakasama niya na muli ang kaniyang ina at si Sophie.
Abangan ang susunod na kuwentong handog ng My Fantastic Pag-ibig ngayong Sabado sa GTV.