
Hindi magkamayaw ang viewers at netizens sa kilig na ipinamalas ng tambalan nina Yasser Marta at Alex Diaz sa pilot episode ng “Fairy Tail Romance,” ang fourth installment ng romance-fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig.
Tampok sa BL mini-series ang pag-iibigan ng isang sireno at isang mortal. Si Alex ay gumanap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser si Nep, ang lalaking bumighani sa puso ng una.
Bukod sa chemistry at fresh love team nina Yasser at Alex, kinagiliwan din ng publiko ang light at feel-good na kwento ng serye.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito:
Source: My Fantastic Pag-ibig Facebook page
Dahil sa ganda ng kwento, may ilang netizens din ang nagmungkahing pahabain ang mini-series.
Marami naman ang pumuri sa mahusay na pagganap nina Alex at Yasser sa kanilang mga karakter, pati na rin sa lahat ng bumubuo ng show.
Bukod dito, kinilala rin ng netizens ang objective ng GMA Network na mag-adapt sa mga pagbabago sa entertainment industry at mga proyektong nais tangkilikin ng publiko.
Samantala, ngayong opisyal na silang nagkakilala, maamin na kaya ni Lantis kay Nep ang matagal niyang nararamdaman para rito?
Abangan ang ikalawa at huling episode ng My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance sa Sabado, March 20, sa GTV!
Mas kilalanin pa ang cast ng high-rating mini-series sa gallery na ito: