GMA Logo Cassie at Mariquit
What's on TV

My Fantastic Pag-ibig: Sino ang pipiliin ni Baste kina Mariquit at Cassie?

By Dianara Alegre
Published March 30, 2021 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN biodiversity treaty enters into force, aims to protect 30% of oceans by 2030
Check out Brandon Espiritu's men's hygiene tips
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Cassie at Mariquit


Sino ang pipiliin ni Baste? Ang trophy girl na nabuhay o ang babaeng ilang taon din niyang naging karelasyon?

Sawi sa pag-ibig ang binatang iskultor na si Baste (Jak Roberto) kaya itinuon niya ang kanyang oras sa paglikha ng iba't ibang obra. Kagagaling lang niya sa breakup mula sa girlfriend niyang si Cassie (Ashley Ortega) na pitong taon din niyang naging karelasyon.

Para ituon ang atensyon sa sining, sinimulan niya ang bago niyang obra, ang tropeo ng isang babae. Ang naturang trophy ay inspired mula sa tingin niya ay kung ano ang “perfect girl.”

Pinagtuunan niya nang husto ang tropeo at nagbunga naman ang paghihirap niya dahil maganda ang kinalabasan ng kanyang obra. Sa tuwa nang matapos ang “perfect girl” trophy ay napahiling si Baste na sana ay makita na rin niya ang tamang babae para sa kanya. At kung “perfect girl” lang din naman ang pag-uusapan, hiniling niyang sana ay magkatotoo at mabigyan ng buhay ang babaeng inukit niya.

Laking gulat na lamang ni Baste nang isang araw, paggising niya ay buhay na ang tropeo at nagkatawang-tao. Hindi man siya kumbinsido na normal ang mga pangyayari, hinayaan na lamang niya ang sitwayson dahil masaya naman siyang kasama niya si Mariquit (Arra San Agustin).

Ayos na sana ang lahat, pero biglang bumalik si Cassie, ang babaeng mahal na mahal niya.

Sino ang pipiliin ni Baste? Ang trophy girl na nabuhay o ang babaeng ilang taon din niyang naging karelasyon?

Abangan ang ikalawa at huling episode ng My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl sa April 10, 7:45 p.m., sa GTV!

Arra San Agustin Jak Roberto at Ashley Ortega

Samantala, talagang inabangan ng viewers ang pilot episode ng mini-series dahil nakapagtala ito ng mataas na ratings at tinalo ang iba nitong katapat na TV shows, ayon sa tala ng NUTAM PPL Prime Survey.

Marami ring netizens ang pumuri at bumati sa cast dahil sa husay sa pag-arte.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Komento ng netizens sa My Fantastic Pagibig Trophy Girl

Source: Jak Roberto Facebook accont, Arra San Agustin Facebook account

Silipin ang behind-the-scenes photos mula taping ng My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl sa gallery na ito: