
Matapos ang ilang buwan na pagtatago, nahanap din nina Robert (Gabby Concepcion), Gina (Kylie Padilla), at Gerald (Jak Roberto) ang mag-inang kriminal.
Sa episode ng My Father's Wife noong Biyernes, October 3, makapigil-hininga ang naging komprontasyon ng mga pangunahing karakter.
Pinanood din nang husto ng viewers sa TV at online ang intense scene kung saan pilit na kinukuha ni Gina ang anak ni Betsy.
Sa huli, na-corner na ang stepmom ni Gina at nabawi ni Robert ang kaniyang anak sa kaniyang evil wife.
Balikan ang viral agawang baby moment sa My Father's Wife na umani ng milyon-milyong views online sa video below!
Source: GMA Network (FB) & GMA Drama (FB)
At walang iwanan sa finale week ng My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of 'My Father's Wife'