
Kapag gipit, sa patalim kumakapit!
Ito ang nangyari kay Aling Susan (Maureen Larrazabal) sa episode ng My Father's Wife kahapon, September 24.
Dahil gipit sa pera, nilooban ng nanay ni Betsy (Kazel Kinouchi) ang mansyon ni Robert (Gabby Concepcion).
Nang mabulilyaso at mahuli pati na rin ni Robert, proud pa na sinabi ni Susan sa mister ng anak na: “Bakit? Hindi mo naman ikahihirap kung kumuha ako nang konti.”
Ang naturang eksena sa My Father's Wife, umani agad ng milyon-milyong views online at nakuha rin ni Maureen Larrazabal ang inis ng fans sa galing niya sa pag-arte bilang Susan.
Catch My Father's Wife on GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: