
Ang nanamantala sa tatay ni Gina (Kylie Padilla), lagot!
Lalo kayong mapapakapit sa panonood ng GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife dahil Gina's palaban era is now here!
Walang inuurungang laban si Gina para sa tatay niya na si Robert (Gabby Concepcion) kahit ang makalaban pa niya ay ang girlfriend nito na si Betsy (Kazel Kinouchi)!
Sa panayam kay Jak Roberto ng 24 Oras, nagkuwento ito sa mga susunod na mangyayari sa kanilang serye. Aniya, “Papunta na kami sa Week 8, so, pabigat na nang pabigat. Malupit na talaga 'yung mga twist, mga plot twist ng storya.”
Gumaganap na Gerald ang Kapuso actor na siyang ex-boyfriend naman ni Betsy.
Kaya para wala kayong ma-miss sa intense moments ng My Father's Wife, nood na tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: My Father's Wife star-studded taping