
Lumabas na ang DNA result at ang tunay na ama ng dinadala ni Betsy (Kazel Kinouchi) ay si Robert (Gabby Concepcion)!
Muli na namang humakot ng million views online ang eksena kahapon sa My Father's Wife.
Pero kung inaakala ni Betsy na lalambot ang puso ng kanyang mister ay nagkakamali siya. Sinabihan siya ni Robert na matapos niyang ipagbuntis ang kanilang anak ay kukunin niya ito at siya ang magpapalaki.
Umabot pa na nag-offer ang tatay ni Gina (Kylie Padilla) ng PhP 50 million!
Lalaban o babawi kaya ang mag-inang Betsy at Susan (Maureen Larrazabal)? Alamin ang buong nangyari sa My Father's Wife sa video below!
Source: GMA Network (FB) & GMA Drama (FB)
Tutukan ang My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday sa oras na 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: MEET KAZEL KINOUCHI