
Lumabas pa ang isang talent ni Betsy (Kazel Kinouchi) sa My Father's Wife at ito ang pagiging gaslighter.
Nahuli ni Betsy si Gerald (Jak Roberto) sa kanyang pang-aakit at bigla niya itong hinalikan.
Hirit pa ni Betsy sa asawa ni Gina (Kylie Padilla) na ginusto raw nito ang mga nangyari at babala pa niya sa ex-boyfriend, “At 'yung sa kiss, huwag mo na palakihin 'yun. Wala lang sa akin 'yun. Kapag nagsumbong ka, damay ka rin dun.”
Marami namang humanga kay Kazel sa nakakainis niyang pagganap sa kontrabida role niya sa My Father's Wife. Post ng isang netizen tungkol sa role niya, “Infairness Ang galing mo Betsy haha kuhang kuha mo inis ko.”
Nakakuha na ang naturang episode clip ng one million views sa Facebook in less than 24 hours.
Tandaan, 1BA ANG UNA! Kaya huwag papahuli sa panonood ng My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado, sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: Taping with the star-studded cast of 'My Father's Wife'