
And the winner is, Gina (Kylie Padilla)!
Big shocker ang napanood sa My Father's Wife kahapon, August 6 nang hindi magtagumpay si Betsy (Kazel Kinouchi) sa mga plano niya na siya ang piliin ni Robert (Gabby Concepcion) bilang tagapagmana ng Rodriguez Supermart.
Ang naturang eksena, umani ng mahigit 3.4 million views at nakakuha ng mahigit 106,000 reactions sa Facebook in less than 24 hours.
Maraming fans ang satisfied sa naging desisyon ni Robert na ibigay sa anak niya na si Gina ang pagiging president ng kanilang family business.
Ano kaya ang magiging susunod na hakbang ni Betsy?
Kaya tandaan, 1BA ANG UNA!
Huwag papahuli sa mga susunod na mangyayari My Father's Wife, tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: Taping with star-studded casts of My Father's Wife