
Ngayong siya na ang bagong Mrs. Rodriguez, sisimulan na ni Betsy ang pinaplano niyang paghihiganti at uunahan niya munang gatasan ang pamilya ni Gina (Kylie Padilla) sa pakikialam sa pera ni Robert (Gabby Concepcion)!
Noong July 26, nag-upload sa Facebook ng GMA Network ng pasilip sa mga gagawin ni Betsy at sisiguraduhin nitong gagawin niyang human ATM ang mister.
Umabot na sa mahigit 1.1 million views online ang teaser na ito.
Samantala, marami rin ang na-touch sa wedding message ni Gina para sa ama na nakakuha rin ng mahigit sa 1.3 million views.
Kahit ang fans, ramdam ang binuhos na emosyon ni Kylie sa eksena.
Puri pa ng netizen ang Kapuso actress nang sinabi nito: “Paghawak palang ng mic ni Gina, parang naiiyak na ako. Galing umarte ni Kylie.”
Source: GMA Drama & GMA Network (FB)
RELATED CONTENT: Taping with the star-studded cast of My Father's Wife
Kaya para lagi kayong UNA sa intense moments sa My Father's Wife, nood na tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: Who is Kazel Kinouchi?