
Lalong mahu-hook ang lahat sa episode ng My Father's Wife ngayong Martes!
Sa oras ng pagdadalamhati ng pamilya ni Robert (Gabby Concepcion) sa pagkamatay ni Minda (Snooky Serna), sisimulan na ni Betsy (Kazel Kinouchi) ang kaniyang plano na akitin ang tatay ni Gina (Kylie Padilla).
Mapigilan kaya ni Gina ang revenge plan ng ex-BFF o tuluyan nang mahuhulog sa kamay ni Betsy si Robert na nangungulila sa pagpanaw ng asawa?
Huwag nang magpahuli at manood sa TV ng mas tumitinding eksena sa My Father's Wife, mula Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of 'My Father's Wife'